Dumating na sa Brunei si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang state visit.
Una nang nakatakdang bumisita ang pangulo sa Brunei noong Setyembre ngunit hindi ito natuloy dahil sa naganap na pagpapasabog sa Davao City.
Makakapulong ni Pangulong Duterte si Brunei Darussalam Sultan Haji Hassanal Bolkiah upang matalakay ang mga paraan upang mas mapatibay pa ang maayos na ugnayan ng Pilipinas at ng Brunei.
Kabilang rin sa mga mapaguusapan ng dalawa ay ang pagpapaunlad ng halal sector ng makabilang panig, pati na ang mga two-way trade at investments.
Gabi na ng Linggo nakadating ang pangulo sa Brunei, at agad niyang hinarap ang mga Pilipino doon upang pasalamatan sa pag-suporta sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Mula naman sa Brunei ay didiretso na sa China para rin sa tatlong araw na state visit si Duterte sa October 18 hanggang 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.