Malaysia, inakusahang nakialam sa nilalaman ng BBL Body

August 01, 2015 - 09:56 AM

AlunanNaniniwala si dating Interior Sec. Raffy Alunan na nakialam ang bansang Malaysia sa nilutong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa ekslusibong panayam ng Radyon Inquirer 990AM, sinabi ni Alunan na dekada ’70 pa ay pinopondohan na ng Malaysia ang ilang Moro group sa Mindanao na naglalayong pabagsakin ang Republika.

Ipinaliwanag din ni Alunan na dapat balikan ng ating pamahalaan ang kasaysayan kung saan mismong ang mga nagtatag ng MILF ang nagsabi na hindi nila kinikilala ang Pamahalaang Pilipino bagkus ay gusto nilang magtayo ng sariling Bangsamoro entity.

Inakusahang ni Alunan ng pakikipag sabwatan ang pamahalaan ni Pangulong Noynoy Aquino sa MILF dahil minadali ang proseso sa Bangsamoro nang hindi man lamang kinukunsulta ang iba pang mga stakeholders tulad ng mga Kristiyano sa Mindanao at ang mga Lumads.

Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay sinubukan din nilang ayusin ang problema sa MILF sa pamamagitan ng Memorandum Of Agreement in Ancestral Domain (MOA-AD) pero ibinasura ito ng mataas na hukuman sa desisyon na pinonente mismo ni dating Associate Justice Conchita Carpio-Morales.

Sinabi ni Alunan na ipinaliwanag  na noon ng Supreme Court na iligal ang naturang kasunduan dahil magreresulta ito sa pagkakahati-hati ng ating bansa pero nakakapagtaka raw dahil ang eksaktong probisyon ng MOA-AD ang siyang nakapaloob ngayon sa ipini-pilit na Bangsamoro entity ng kasalukuyang administrasyon.

Hinamon din ng dating kalihim ang publiko na maging mapag-matyag sa mga pangyayari dahil tiyak na pipilitin ng pamahalaan na mailusot ang Bangsamoro deal bago bumaba sa pwesto si Pangulong Noynoy Aquino. / Den Macaranas

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.