Bagyong “Lawin” posibleng pumasok sa PAR mamayang hapon

By Kabie Aenlle October 17, 2016 - 02:35 AM

haima cropped from karenBagaman papalabas na ang bagyong “Karen” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong madaling araw, hindi naman masyadong makakapahinga ang bansa sa bagyo.

Ito ay dahil naka-ambang pumasok ang typhoon “Haima” sa PAR mamayang hapon, na tatawaging bagyong “Lawin” oras na pumasok na sa bansa.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong “Lawin” na may international name na “Haima” sa 1,500 kilometers ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, posibleng mapanatili ng Haima ang direksyon nito at malamang na tamaan muli ang Luzon.

Gayunman, maari pang magbago ang mga detalye kaugnay sa kilos ng Haima dahil hindi pa ito nakakapasok nang tuluyan sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub