CTA, naghain ng ‘not guilty’ plea para kay Jeane Napoles

May 27, 2015 - 12:03 PM

JEANE NAPOLES

Natuloy na ang arraignment ni Jeane Catherine Napoles,  anak ni Janet Napoles sa Court of Tax Appeals.Tumanggi ang batang Napoles na maghain ng plea kaya ang korte na ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para sa kanyang  17 milyon pisong tax evasion case. Hindi naman pinagbigyan ng korte ang kanyang Motion for Reconsideration dahil masyado nang mahaba ang ibinigay na araw ng korte para hindi matuloy ang kanyang arraignment. Hindi na rin tumutol ang kampo ni Jeane  sa mosyon ng prosecution na pag-isahin na lamang ang iba pang kaso ng batang Napoles na nakasampa sa ibang division ng Court of Tax Appeals. Samantala, sa utos ng Third Division ng Court of Tax Appeals, sa July 14  isasagawa ang pre-conference  habang sa July 29 naman ang pre-trial sa 17-million peso tax evasion case ng batang Napoles. – Jong Manlapaz

 


 

 

 

TAGS: court of tax appeals, jeane, napoles, tax evasion, court of tax appeals, jeane, napoles, tax evasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.