Bagyong Karen, bumilis ang galaw habang papalabas ng Luzon

By Mariel Cruz October 16, 2016 - 03:58 PM

2PM KAREN
Photo from PAGASA

Bumilis ang galaw ng bagyong Karen habang papalabas sa kalupaan ng Luzon.

Batay sa 2 P.M. weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa 175 kilometers west northwest ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay nito ang pinaka malakas na hangin na aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 200 kph.

Dahil dito, inalis na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signals sa malaking bahagi ng Luzon.

Ibinaba na rin sa Signal No. 1 ang Ilocos Sur, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Benguet at La Union.

Inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Karen bukas ng umaga.

Samantala, kasabay ng paglabas ng bagyong Karen sa PAR ay ang inaasahang pagpasok naman ng panibagong bagyo na may international name na “Haima” na huling namataan sa 1,575 km east ng Visayas.

TAGS: Bagyong Karen, Bagyong Karen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.