Umabot sa mahigit limampung milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Karen sa sektro ng agrikultura.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), kabuaang P53,475,082 ang halaga ng nasirang pananim sa Camarines Sur dahil sa bagyo.
Pinaka naapektuhan ay ang mga pananim na mais kung saan aabot sa dalawampu’t siyam na milyong piso ang napinsala.
Pumalo naman sa dalawampu’t tatlong milyong piso ang halaga ng nasirang palay.
Kabuuang 2,552 na pamilya naman ang isinailalim sa pre-emptively evacuation sa Region 1, Central Luzon, Calabarzon at Bicol region.
Sa Bicol naman, aabot sa 1,566 na pamilya ang mananatili sa 86 na evacuation centers.
Sinabi naman ng NDRRMC na hindi pa nila makumpirma ang napaulat na casualties dahil wala pang ibinibigay na detalye ang mga local government unit.