Ilan sa mga hikers na nastranded sa Mt. Tarak sa Bataan, nailigtas na
Nailigtas na ang ilan sa mga nastranded na mountaineers sa Mt. Tarak sa Mariveles Bataan dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Karen.
Ayon kay Supt. Crizalde Conde, hepe ng Mariveles police, sa 86 hikers na nastranded sa naturang bundok, 56 dito ang na-rescue na at nasa ligtas nang lugar.
Pero sinabi ni Conde na mayroon pang natitirang tatlumpu katao ang naiwan ngunit kasalukuyan na rin ibinababa ng bundok.
Nabatid na umakyat ng Mt. Tarak ang mga naturang hikers kahapon kahit pa may banta na ng bagyong Karen.
Binanggit din ni Conde na halos lahat ng mountaineers ay mula sa Manila at Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.