Mahigit 10,000 residente, inilikas na dahil sa Bagyong Karen

NDRRMC BRIEFINGUmabot sa 1,884 na pamilya na katumbas ng 9,680 katao ang nailikas na sa 107 evacuation centers mula sa Regions 2, 3, 5 at Calabarzon dahil sa bagyong Karen ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay National Risk Reduction Management Council Undersecretary Ricardo Jalad, limang kaldasa naman ang pansamantalang isinara kung saan kabilang dito ang Ifugao-Banaue-Mayoyao-Alfonso-Lista-Isabela boundary road, Poblacion Mayoyao at Catanduanes Circumferential road dahil sa landslides.

Sarado din ang Albay West Coast road at Camarines Sur Lagonoy presentation road bunsod naman ng pagbaha.

Samantala, naibalik na ang telecommunication system sa Catanduanes at Polilio island ngunit nananatiling naman walang kuryente sa nasabing mga lugar.

Dagdag pa ng NDRRMC, naghihintay pa ng kumpirmasyon ang ahensiya mula sa DILG at DOH pagdating sa bilang ng naitalang casualty dahil sa nasabing bagyo.

Sa ngayon, naka-antambay na ang medical at response teams maging ang international organizations tulad ng UNICEF kung sakaling magkaroon ng aberya sa ilang lugar.

Read more...