P13 rollback sa LPG

A man delivers cylinders of liquefied petroleum gas in Manila on August 6, 2011. Volatile oil prices still pose an inflationary risk to the Philippines even though the consumer price index rise in July stayed at the previous month's level, the central bank said August 5.   AFP PHOTO / JAY DIRECTO
AFP PHOTO

May hanggang trese pesos na rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG.

Epektibo alas dose uno ng madaling araw bukas, August 1, magpapatupad ng P1.20 na rollback ang Petron para sa kanilang Gasul at Fiesta gas.

Ang nasabing rollback ay katumbas ng P13.20 na rollback sa kada 11 kilogram cylinder.

Mayroon ding rollback ang Petron para sa kanilang auto LPG na P0.67 kada litro.

Ang kumpanyang Solane naman ay P1.12 ang ipinatupad na rollback sa LPG o katumbas ng P12.32 centavos sa kada 11 kilogram na tangke.

Nag-rollback din ang EC gas ng P1.10 o katumbas na P12.10 sa kada 11 kilogram na tangke./ Dona Dominguez – Cargullo

Read more...