Itinaas na sa Alarm Level 1 ang Marikina River matapos umangat ang lebel ng tubig sa 15.2 meters bandang alas otso sais nang umaga.
Ayon sa mga awtoridad, nagsimulang tumaas ang lebel bunsod ng tubig-ulang dala ng bagyong Karen simula kagabi.
Batay sa impormasyon ng Marikina City Rescue 161, pansamantalang itigil ang mga business establishments sa bahagi ng Marikina Riverbanks.
Dahil sa patuloy na pag-ulan, inabisuhan ng mga opisyal ng Rescue 161 ang mga residente na malapit sa nasabing lugar na maging mapagmatyag at maging alerto sa mga ilalabas na anunsiyo.
READ NEXT
Mahigit 200 domestic at international flights, kinansela ng Cebu Pacific at PAL dahil sa bagyong Karen
MOST READ
LATEST STORIES