Game 5 ng 2016 PBA Governors’ Cup Finals ngayong araw, tuloy
Hindi kakanselahin ang Game 5 ng 2016 PBA Governors’ Cup Finals ngayong araw.
Ito ay sa kabila ng patuloy na nararanasang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila ngayong araw.
Sa Twitter post ng PBA, nakasaad na tuloy pa rin ang Game 5 ng Barangay Ginebra San Miguel Kings at Meralco Bolts mamayang 6:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Una nang nag-abiso ang PBA na posibleng makansela ang naturang laban sakaling lumakas ang idudulot na pag-ulan ng bagyong Karen.
Batay sa latest weathe bulletin ng PAGASA, ibinaba na sa Signal No. 1 ang Metro Manila pero asahan pa rin na mararanasan ang mga pag-ulan hanggang bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.