Tubig sa La Mesa Dam, nanganganib na umabot na rin sa spilling level

By Mariel Cruz October 16, 2016 - 09:56 AM

la-mesa-damMalapit na rin umabot sa spilling level ang tubig sa La Mesa Dam bunsod ng bagyong Karen.

Batay sa ulat, kaninang alas otso ng umaga ay tumaas na sa 79.34 meters above sea level ang water level ng La Mesa Dam.

Malapit na ito sa 80.15 meters na spilling level.

Sakaling magpatuloy ang pagtaas at umabot sa spilling level, posibleng maapektuhan ng pag-apaw ng tubig ang mga lungsod ng Quezon, Malabon at Valenzuela.

Ang La Mesa Dam ay bahagi ng Angat-Ipo-La Mesa water system na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.

TAGS: Bagyong Karen, Bagyong Karen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.