Matapos mag mag-landfall sa Baler, Aurora kaninang 2:30 ng madaling araw, namataan ngayong umaga ang bagyong Karen sa bisinidad ng Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya.
Batay sa 5 a.m. weather bulletin ng PAGASA, aabot sa 150 kilometers per hour ang taglay nitong hangin at pagbugsong aabot naman 210 kph.
Inaasahang dadaanan ng bagyong Karen ang mga probinsya ng Nueva Vizcaya, Nueva Ecija at Tarlac ngayong umaga.
Dahil dito, nasa ilalim na ng Storm Signal Number 3 ang Pangasinan, Northern Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Northern Quezon kasama ang Polillo Island, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya at Quirino.
Signal Number 2 naman sa Ilocos Sur, Southern Isabela, Mt Province, Ifugao, nalalabing bahagi ng Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Metro Manila, nalalabing bahagi ng Quezon at Camarines Norte.
Nasa Signal Number 1 naman ang Ilocos Norte, Abra, Kalinga, nalalabing bahagi ng Isabela, Southern Apayao, Southern Cagayan, Oriental Mindoro, Cavite, Batangas, Laguna, Marinduque at Camarines Sur.
Mamayang gabi ay inaasahang nasa layong 350 kilometers kanluran ng Dagupan City, Pangasinan ang bagyong Karen.
Inaasahan naman na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang naturang bagyo, umaga ng Martes.