Mga Manileños, inalerto sa banta ng Zika virus

By Rod Lagusad October 16, 2016 - 02:45 AM

ManilaBinalaan ang mga Manileños na maging mapagmatyag sab anta ng pagkalat ng Zika Virus kasunod ng mga kumpirmadong kaso nito sa mga kalapit na lungsod.

Ayon kay Dr. Benjamin Yson, , officer-in-charge ng Manila Health Department (MHD) na maaring kumalat ang naturang sakit kahit na tuloy-tuloy ang mga ginagawang hakbang para mapigilan ang paglaganp nito.

Inalerto ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga ospital at health emergency units ng siyudad para sa paghahanda laban sa nasabing sakit.

Siniguro ni Estrada na handa ang anim na public hospitals at 59 na community health centers sa paghawak ng mga kaso ng mga mosquito-borne diseasestulad ng Zika, dengue at chikungunya.

Nanawagan din si Estrada sa mga Manileños na maging maalam tunmgkol sa Zika.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health as of October 14 ay meron ng 17 kaso ng Zika ang naitala sa buong bansa kung saan tatlo dito ay nasa Metro Manila.

 

 

 

TAGS: Manila Health Department, manila mayor joseph estrada, Manileños, zika virus, Manila Health Department, manila mayor joseph estrada, Manileños, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.