Ai Ai delas Alas, binisita si Jiro Manio sa rehab

By Rod Lagusad October 16, 2016 - 02:43 AM

bandera.inquirer.net file photo

Binisita ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas si Jiro Manio sa rehabilitation center noong Biyernes, October 14.

Sa post ni Delas Alas sa kanyang Instagram account, kanyang ibinahgi ang kanyang naging pagbsita na may caption na nagsasabing ito ay buhay na buhay at kanya na itong name-miss.

Nagpost din si Delas Alas ng isang maikling video kung saan makikita si Manio na kabilang sa isang dance number kasama ang iba pang rehab patients.

Matatandaan na si Delas Alas ang gumanap na nanay ni Manio sa movie at TV adaption ng “Tanging Ina” at nagsilbi na ring ina niya sa totoong buhay ng makitang pakalat-kalat ito sa  Ninoy Aquino International Airport noong July 2015.

Sinubukan din ni Delas Alas na mapagtagpo si Manio sa tatay nito ngunit hindi ito nagtagumpay dahil na sa rin sa naging pagtanggi nito.

Si Manio ay dating child actor na nakilala dahil sa naging kanyang pagganap sa pelikulang “Magnifico”.

Nauna ng na-rehab si Manio noong 2008 at pangalawang beses pagkatapos ng naging insidente sa NAIA kung saan matapos ng anim na buwan ay nakalabas na siya ngunit muling bumalik uli ito sa rehab ngayong taon.

 

TAGS: Ai Ai delas Alas, jiro manio, magnifico, NAIA, rehab, Tanging Ina, Ai Ai delas Alas, jiro manio, magnifico, NAIA, rehab, Tanging Ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.