Dalawa patay sa pananalasa ng bagyong Karen sa Catanduanes

By Den Macaranas October 15, 2016 - 06:05 PM

Virac.12Dalawa ang naitalang patay sa naging paghagupit ng bagyong Karen sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa sa ulat ni Jerry Beo, pinuno ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, ang mga biktima ay mula sa bayan ng Bato.

Nakita ang unang biktima na hindi pa rin nakikilala kanilang alas-otso ng umaga sa dalampasigan ng Barangay Pananaogan.

Nasa pagitan ng 40 hanggang 50-anyos ang edad ng nasabing lalaki.

Nalunod naman ang ikalawang biktima na si Felicito Tesorero, 77-anyos na residente sa Barangay Buenavista.

Kukunin sana ni Mang Felicito ang kanyang kalabaw sa bukid nang siya’y tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Pinaghahanap naman hanggang sa kasalukuyan si Rene Matangob makaraang tumabob ang kanyang bangka sa barangay Sogod dahil din sa lakas ng agos ng tubig.

Nauna nang sinabi ng Pagasa na halos ay katumbas ng isang buwang ulan ang dami ng tubig na ibinuhos ng bagyong Karen sa kabuuan ng Catanduanes.

TAGS: catanduanes, karen, Pagasa, catanduanes, karen, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.