Agusan del Norte nilindol

Agusan del NorteNiyanig ng lindol ang lalawigan ng Agusan del Norte at ilang bahagi ng Mindanao kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bahagi ng bayan ng Nasipit, Agusan del Norte 2:29 nang madaling araw.

Intensity five ang naramdaman sa Butuan City at ilan pang bayan sa Agusan del Norte habang intensity 4 naman sa mga bayan ng Remedios Romualdez at Magallanes.

Naramdaman rin sa lakas na intensity 3 ang lindol sa Surigao City, Ginoog City sa Misamis Oriental at Mambajao sa Camiguin; habang intensity 2 naman sa Cagayan de Oro City. Wala namang naiulat na sugatan o kaya’y nasaktan sa nasabing pagyanig na tectonic ang pinagmulan.

Read more...