Russia itinurong nasa likod ng hacking sa Democrats

U.S hacking
Inquirer file photo

Nanindigan ang U.S government na hindi nila palalampasin ang ginawang pag-hack ng Russian government sa Democratic National Security computer system at sa email ng campaign manager ni Hillary Clinton na si John Podesta.

Sa panayam, sinabi ni U.S Vice President Joe Biden na nagpadala na sila ng mensahe kay Russian President Vladimir Putin tungkol sa nasabing hacking incident.

Malinaw ayon kay Biden na gustong pakialaman ng Russia ang nalalapit sa eleksyon sa U.S sa susunod na buwan.

Hindi naman sinagot ng nasabing opisyal kung posibleng mauwi na naman sa cold war ang nasabing insidente

Nauna nang sinabi ng Office of the Director for National Intelligence at Department of National Homeland Security na natunton nila na galing sa Kremlin ang mga nasa likod ng magkakasunod na hacking incidents.

Iniulat naman ng NBC na balak ding gumawa ng retaliatory cyberattack ng Central Intelligence Agency para hiyain ang Russian government.

Wala pang inilalabas na tugon ang Russia sa nasabing pangyayari.

Read more...