Libu-libong nasabat na bala sa CDO, posibleng ipapadala dapat sa Maute group

By Kabie Aenlle October 15, 2016 - 04:19 AM

cagayan de oroMasusi pang inaalam ng mga otoridad kung nakalaan ba talaga para sa teroristang Maute group ang libu-libong bala na kanilang nasabat sa isang terminal ng bus sa Cagayan de Oro City.

Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at militar sa bus terminal sa Brgy. Lapasan ang 6,000 rounds ng 7.62 caliber na bala para sa 60-mm light machine gun, at apat na pirasong M203 na granada na tinatayang nagkakahalaga ng P372,000.

Ayon kay Supt. Surki Sereñas ng Northern Mindanao police, malakas ang kanilang hinala na ang mga kahon ay nakatakdang dalhin sa Maute group na naka-base sa Butig, Lanao del Sur.

Bagaman may iba pa silang anggulo na tinitingnan, malaki ang posibilidad na gagamitin sa iligal na aktibidad ang mga ito dahil wala itong mga kaukulang permit.

Naaresto naman ng Criminal Investigation and Detection Group ng rehiyon ang mga suspek na sina Amer Macarangal at jabar Mangadag na bagaman pawang mga taga-Marawi City, ay mga tubong Butig naman.

Ayon kay Chief Insp. Melgar Devaras, akala umano ng mga suspek ay mga piyesa ng sasakyan ang laman ng mga kahon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub