Base sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Karen sa 160 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 120 kilometers per hour, at pagbugso na 150 kilometers per hour, habang tinatahak ang direksyong West Northwest sa bilis lamang na 13 kilometers per hour.
Dahil dito, babala ng PAGASA na posibleng maging mapaminsala ang bagyo dahil bukod sa malakas ito, mabagal pa ang pagkilos nito.
Nagbabala ang Pagasa sa publiko sa malakas na ulan at hangin na hatid ng bagyong Karen.
Asahan na rin ang storm surge na dulot ng bagyo at baha sa mga mababang lugar.
Patuloy ang pakikipagugnayan ng Pagasa sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan para sa dagdag na mga updates.
Bagaman hindi pa tumatama sa lupa, itinaas na ang Public Storm Warning Signal No. 3 sa Catanduanes, habang Signal No. 2 naman sa Camarines Sur at Camarines Norte.
Nakataas naman ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Metro Manila
– Cavite
– Laguna
– Batangas
– Rizal
– Quezon
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Zambales
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Nueva Vizcaya
– Aurora
– Pangasinan
– Quirino
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Romblon
– Northern Samar
– Albay
– Sorsogon
– Masbate
– Ticao Island
– Burias Island
– Polillo Island