Ayon sa PAGASA, bago mag-landfall bukas sa bahagi ng Catanduanes, maari pang lumakas ang bagyo at maging isang Typhoon.
Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 2 sa Catanduanes, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Habang signal number 1 na sa Metro Manila, Albay, Sorgsogon, Masbate, Northern Samar, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Marinduque, Aurora, Isabela, Quirino, Nueva Ecija, Bulacan, at Pampanga.
Simula mamayang gabi makararanas na ngmasungit na panahon ang Catanduanes at Camarines.
Habang mararamdaman naman ang epekto ng bagyong Karen sa Metro Manila simula bukas ng tanghali.
Sa Lunes ng hapon inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Karen.