Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) naghain ng P30,000 na piyansa si Matobato sa Quezon City court.
Sa impormasyon na nakasaad sa log book sa custodial center ng PNP, nakasaad na alas 3:22 ng hapon lumabas si Matobato at sinundo ito ng kaniyang abogado.
Kinumpirma rin ni Atty. Jude Sabio, abogado ni Matobato na nakalabas na ng custodial center ang kaniyang kliyente.
Ayon kay Sabio, inaalam nila ang posibilidad kung maaring mapagkalooban o mabigyan ng sanctuary ng simbahan si Matobato.
Matapos makalaya, balik sa protective custody ni Senator Antonio Trillanes IV si Matobato.
READ NEXT
Sa harap ng mga estudyante ng Miriam College, De Lima, itinangging nakipagrelasyon sya sa sinumang drug convict
MOST READ
LATEST STORIES