Kanseladong flights nadagdagan pa dahil sa masamang panahon

By Alvin Barcelona October 14, 2016 - 03:55 PM

NAIA Terminal 3Nadagdagan pa ang kanseladong flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masungit na panahon na dulot ng bagyong Karen.

Ayon sa Manila Intertional Airport Authority (MIAA) kanselado na rin ang biyahe ng PAL Express na flight 2P 2543 at 2544 na biyaheng Manila – Dumaguete – Manila.

Maging ang flights 2P 2095 at 2096 na biyaheng Manila – Surigao – Manila ay kinansela na rin ng PAL Epxress.

Kanina ay nauna nang inanunsyo ng MIAA ang kanselasyon ng flights 5J 821 at 822 ng Cebu Pacific na may biyaheng Manila – Virac – Manila.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga apekatadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang mga ticket.

 

 

TAGS: cancelled flights due to typhoon Karen, cancelled flights due to typhoon Karen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.