Nasunog ang isang warehouse ng tela sa Barangay Ugong sa Valenzuela City.
Nagsimula ang sunog alas 11:37 ng umaga at dahil puro tela ang laman ng warehouse sa Binatugan Street ay agad umabot sa Task Force Bravo ang alarma.
May nag-welding umano sa katabing pabrika ng nasunog na warehouse at ang mga tumalsik na baga ang pinagmulan ng apoy.
Mabilis namang nakalabas ang caretaker ng warehouse na Larry’s Curtain bago lumaki ang sunog. Agad dinala sa ospital ang caretaker matapos atakehin sa puso.
Ayon kay FO2 Noralyn Agudo alas 12:37 ng tanghali nang itaas sa task force bravo ang sunog at naideklarang under control alas 2:07 ng hapon./ Jong Manalapaz
MOST READ
LATEST STORIES