Libu-libong Lumads, nakibahagi sa Lakbayan 2016; nagsagawa ng programa sa UP

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Libu-libong mga katutubo na karamihan mga Lumad mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagtungo sa UP Diliman para makibahagi sa Lakbayan 2016 at upang manawagan sa proteksyon ng mga karapatan ng indigenous people.

Kabilang din ang mga katutubo mula sa Mindanao, Cordillera, Central Luzon at Southern Luzon ang lumuwas sa Metro Manila.

Tatlong araw at dalawang gabi na sa UP ang mga katutubo at sila ay nanatili lang sa temporary camping site sa University grounds.

Sila ay nakapagsagawa na ng cultural presentation na nilahukan ng iba’t ibang grupong minoriya matapos nilang ihayag ang kanilang mga hinaing na nais nilang maiparating sa administrasyong Duterte.

Kuha ni Jan Escosio

Isa lang sa kanilang tinututulan ay ang mga operasyon ng minahan na anila ay sumisira sa kanilang mga kinalakihang pamayanan.

Ipinahayag ni Kerlan Fanagel, tagapagsalita ng grupong Lumad na PASAKA na makasaysayang pangyayari sa bawat isa ang magtipon-tipon ang mga marginalized at minority groups sa Maynila.

Mananatili ang pambansang minorya sa UP Diliman hanggang October 28.

Bibisitahin din ng grupo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang National Commission on Indigenous Peoples, Department of Justice, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Agrarian Reform para mas mabigyang pansin ng bansa ang kanilang mga hinaing

Kabilang naman sa mga nakiisa sa lakbayan 2016 ay ang UP University Student Council.

 

 

Read more...