Pangulong Duterte, dadaan muna sa Brunei, bago dumiretso sa China
Bibisita muna sa Brunei si Pangulong Rodrigo Duterte bago ang state visit nito sa China.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson, Asec. Charles Jose mauuna ang state visit ni Duterte sa Brune sa October 16 hanggang 18 kung saan inaasahang magkakaroon ng bilateral talks sa pagitan nila ni Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah.
Mula October 18 naman hanggang 21 ang state visit ni Duterte sa China.
Kabilang sa mga nakalatag na schedule ni Duterte sa China ang pakikipagpulong kina Chinese President Xi Jinping, Premier Li Keqiang at CPC chair Zhang Dejiang.
Posibleng bisitahin din ni duterte ang law enforcement office o di kaya ay drug rehab centers sa China.
Sa October 21 nakatakdang bumalik ng bansa ang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.