Mahigit 1,000 pasahero stranded sa Bicol dahil sa bagyong Karen

Aabot na sa mahigit isang libong mga pasahero ang stranded sa Bicol region bunsod ng sama ng panahon na dulot ng tropical storm Karen.

Sa ngayon kasi mahigpit nang ipinagbabawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na nasa ilalim ng public storm warning signal.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson, Commander Armand Balilo, ang mga sasakyang pandagat galing Sorsogon ay hindi na pinatatawid patungong Allen, Samar.

Partikular na hinahagupit ngayon ng malakas na pag-ulan ang lalawigan ng Catanduanes at iba pang bahagi ng bicol Region.

Samantala, kanselado na ang dalawang flight ng Cebu Pacific dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado na ang biyahe ng flight 5j 821 at 822 Manila – Virac – Manila.

Ayon sa MIAA, ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan ngayon sa Catanduanes.

Ang Catanduanes ay nakasailalim na sa public storm warning signal number 2 dahil sa bagyong Karen

 

 

Read more...