Roxas, dapat magbitiw na sa DILG

July 31, 2015 - 04:34 PM

via gov.ph
Mula sa gov.ph

Ngayong opisyal ng inendoroso ni Pangulong Benigno Aquino III si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas ay dapat na umanong magbitiw ito bilang kalihim ng kagawaran.

Ayon kay Mon Ilagan, tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay, dapat magbitiw na si Roxas sa DILG para maiwasang magamit nito ang pondo at makinarya ng gobyerno para sa kaniyang presidential ambition. “Now that it’s official, Mar Roxas should resign as SILG so as to avoid government fund/machinery in his favor,” ayon kay Ilagan.

Sinabi ni Ilagan na abala sa pag-iikot sa mga bayan sa Cavite si Binay habang nagtatalumpati si Roxas sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan, Biyernes ng umaga matapos pormal na iendorso ni PNoy bilang kandidato ng Liberal Party sa pagka-pangulo sa 2016.

Bukas naman ng umaga sa Kapitolyo sa Trece Martires sa Cavite inaasahang maglalahad ng kaniyang sariling SONA si Binay na tinawag niyang True State of the Nation Address o TSONA.

Samantala, sinabi naman ng Malakanyang na si Sec. Roxas ang magpapasya kung magbibitiw na ba ito sa DILG matapos pormal na iendorso bilang LP presidential candidate.

Ayon sa Palasyo, sa Oktubre pa naman ang filing ng certificate of candidacy at sa sandaling makapaghain ng kaniyang COC ay doon pa lang pormal na magiging kandidato si Roxas.

Sa ngayon hindi pa umano masasabing kandidato ang kalihim dahil hindi pa naman panahon ng COC filing para sa 2016 elections./ Dona Dominguez – Cargullo, Alvin Barcelona

TAGS: Mar should resign as DILG Sec says Binay camp, PNoy endorses Mar as LP bet, Mar should resign as DILG Sec says Binay camp, PNoy endorses Mar as LP bet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.