20 ang patay sa car bomb sa border ng Syria at Turkey

By Dona Dominguez-Cargullo October 14, 2016 - 07:58 AM

syria-mapNasawi ang 20 katao sa pagsabog ng isang car bomb sa border ng Syria at Turkey.

Naganap ang pagsabog sa Bab al-Salam border malapit sa isang checkpoint na minamandohan ng mga tauhan ng Free Syrian Army (FSA).

Ayon sa ulat ng Reuters, karamihan sa mga nasawi ay pawang Syrian rebel fighters.

Nasa halos dalawang kilometero lamang ang layo ng pinangyarihan ng pagsabog mula sa border na pangunahing ginagamit para tawirin ang Turkey at Northern Syria.

Ang pagsabog ay naganap isang linggo matapos na pasabugin ng isang Islamic State militant ang kaniyang sarili sa bahagi naman ng Atmeh border sa Idlib Syria at Turkey.

Sa nasabing suicide bombing umabot sa 25 ang nasawi at pangunahing target umano nito ang FSA rebels.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.