Matatandaang sa pagbisita ng pangulo sa China, tinatayang nasa 400 na mga negosyante ang makakasama niya upang masuyo ang ilang mga Chinese business leaders.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, maraming inisyatibo mula sa mga pribadong sektor ang magaganap, tulad na lamang ng pagtulong ng mg bangko sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng fund commitments.
Sa ngayon aniya, sinisiyasat pa nila ang mga offers na posibleng maging memorandums of understanding, at nangangahulugan ito na magkakaroon ang bansa ng maraming pondo para sa anumang proyekto, pribado man o sa gobyerno.
Bilyun-bilyong dolyar rin ang inaasahang papasok sa bansa mula sa China sa pamamagitan ng loans at investments.
Tutungo si Pangulong Duterte para sa kaniyang state visit sa China sa susunod na linggo, October 18 hanggang 21 upang isulong ang mas matibay na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.