Magiging bagong Sec-Gen ng UN, kinilala

By Kabie Aenlle, Rachel Cabrera October 14, 2016 - 04:33 AM

 

Hinirang na bilang bagong chief ng United Nations si Dating Portugese Prime Minister Antonio Guterres.

Ito ay alinsunod sa napagbotohan ng 193 miyembro ng United Nations sa naganap na general assembly.

Dahil dito, si Gutteres ay ang magiging ika-siyam na secretary general ng naturang organisasyon sa loob ng limang taong-termino na magsisimula sa unang araw ng Enero, taong 2017.

Papalitan ng 67-anyos na si Guterres ang kasalukuyang Secretary General na si Ban Ki-Moon mula sa South Korea na bababa sa katapusan ng 2016 matapos manungkulan ng dalawang termino.

Si Guterres ay naging dating prime minister ng bansang Portugal simula 1995 hanggang 2002, at nanungkulan bilang United Nations High Commissioner for Refugees simula 2005 hanggang 2015.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.