4 kababaihan lumantad vs Trump sa isyu ng sex assault may ilang taon na ang nakakalipas
Apat na kababaihan sa Amerika ang nagsiwalat na nakaranas sila ng harassment mula kay US presidential aspirant Donald Trump sa magkakahiwalay na pagkakataon may ilang dekada na ang nakalilipas.
Ayon sa New York Times, isa sa mga babaeng nagbunyag ng insidente ay hinawakan umano ni Trump sa kanyang dibdib at ibang parte ng katawan samantalang ang isa naman ay nagsabing hinalikan siya nito.
Ang paglantad ng mga kababaihan ay matapos namang lumutang ang isang recording noong 2005 kung saan ipinagmamalaki pa umano nito ang panghihipo at pang-haharass sa ilang kababaihan.
Isa sa mga babae na edad 74 anyos na sa kasalukuyan ay nagsiwalat na nagana pang panghihipo sa kanya ni Trump may tatlong deakada na ang nakalilipas habang magkatabi sila sa eroplano.
Dito umano hinawakan ni Trump ang kanyang dibdib at tinangka pang hawakan ang kanyang kaselanan.
Isa pang babae ang nagbunyag na noong 2005, habang nagsisilbi siyang receptionist sa Trump Tower, nakasalubong niya ang mayamang negosyante.
Dito na siya umanog hinipuan nito at pinaghahalikan.
Una nang humingi ng paumanhin si Trump sa nilalaman ng 2005 recording ngunit iginiit na hindi niya ginawa ang kanyang mga sinabi at bahagi lamang ito ng ‘locker room talk’.
Mariing itinanggi na rin ng campaign spokesperson ni Trump ang mga alegasyon at iginiit na bahagi lamang ito ng ‘character assassination’ kaugnay sa kampanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.