Ayon sa hepe San Fernando City police na si Supt. Jean Fajardo, narekober ang iligal na droga sa isang abandonadong Nissan LEC na sasakyan na may plakang TLX-665 sa Brgy. San Vicente sa Apalit.
Sa loob ng sasakyan natagpuan at narekober ang 10 aluminum packs na may laman na 10 kilo ng shabu, na nakasilid sa loob ng isang sports bag.
Naisakatuparan ang operasyon sa pamamagitan ng itinimbreng impormasyon na ibinigay ng convicted carnapper na si Raymond Dominguez.
Ayon kay provincial police director Senior Supt. Rudolfo Recomono, nakipag-ugnayan si Ong sa pamamagitan ni Dominguez.
Ipinamaneho umano ni Ong sa isang kasabwat ang nasabing sasakyan patungo sa lugar upang isuko ang mga shabu na ayon sa impormasyon ni Dominguez.
Ang naturang droga umano ay bahagi ng mga nakumpiskang droga noong Hulyo ng Bulacan police.
Tiniyak naman ni Dominguez sa middleman na ipinadala ni Recomono, na isinuko ni Ong ang mga shabu upang linisin ang kaniyang pangalan.