P220-M shabu, narekober gamit ang impormasyon mula Bilibid

By Kabie Aenlle October 14, 2016 - 04:42 AM

 

high-grade-shabuNarekober ng Pampanga police ang shabu na nagkakahalaga ng P220 milyon na isinuko umano ng kasabwat ng convicted drug pusher na si Ryan Ong.

Ayon sa hepe San Fernando City police na si Supt. Jean Fajardo, narekober ang iligal na droga sa isang abandonadong Nissan LEC na sasakyan na may plakang TLX-665 sa Brgy. San Vicente sa Apalit.

Sa loob ng sasakyan natagpuan at narekober ang 10 aluminum packs na may laman na 10 kilo ng shabu, na nakasilid sa loob ng isang sports bag.

Naisakatuparan ang operasyon sa pamamagitan ng itinimbreng impormasyon na ibinigay ng convicted carnapper na si Raymond Dominguez.

Ayon kay provincial police director Senior Supt. Rudolfo Recomono, nakipag-ugnayan si Ong sa pamamagitan ni Dominguez.

Ipinamaneho umano ni Ong sa isang kasabwat ang nasabing sasakyan patungo sa lugar upang isuko ang mga shabu na ayon sa impormasyon ni Dominguez.

Ang naturang droga umano ay bahagi ng mga nakumpiskang droga noong Hulyo ng Bulacan police.

Tiniyak naman ni Dominguez sa middleman na ipinadala ni Recomono, na isinuko ni Ong ang mga shabu upang linisin ang kaniyang pangalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.