PROBLEMA LANG ‘YAN ni Brenda Arcangel

July 31, 2015 - 03:45 PM

brenda“To truly laugh, you must be able to take your pain and play with it.” — Charlie Chaplin, comic-actor, film-maker

Totoo ang kasabihan na ‘laughter is the best medicine,” yan ang sinasabi sa mga pag-aaral.

Higit sa paglilibang, napakadami palang benepisyo ang pagtawa habang nanonood ng mga comedy shows, mga funny movies, o kahit sa corny jokes ni friendship.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may laughing yoga? Well, wag nang magtaka. Keribels lang mga ka-Angel kaya laugh pa more.

Kung laging gagawin nagbibigay daw kasi ito ng physical, psychological, emotional at social benefits at pampa-alis ng negatibong pag-iisip.

Kung mapapansin nyo, yung mga taong bugnutin, laging naiinis – siya yung laging may sakit o kung anuman ang kanegahan na nararamdaman.

Internal workout – bagamat napaka-simple ng proseso kung iyong iisipin, itinuturing itong best internal workout ng katawan. Na-e-exercise daw kasi nito ang ating internal organs gaya ng diaphragm, abdomen, respiratory system at maging ang ating balikat. Kaya pansinin daw nyo, kapag tumawa kayo ng bonggang-bongga – relax na relax ang ating mga muscles at kalmang-kalma tayo. Nakakatulong din ito para lumuwag ang daanan ng ating paghinga at makapasok ang oxygen sa ating katawan.

Reduce stress – mabisang pang-alis ng stress ang pagtawa dahil pinabababa nito ang ating stress hormones gaya ng cortisol at epinephrine at pinatataas naman ang level ng health-enhancing hormones. Pinabubuti din nito ang blood circulation na nakakatulong naman para maalis ang sintomas ng stress.

Improves sleep quality – kung problemado daw kayo sa pagtulog sa gabi o kung isa kayo sa mga insomniac, isa sa magandang therapy ay “laughter.” Nakakatulong daw kasi ito para mag-produce ang katawan ng melatonin—ang hormone na nang-gagaling sa utak ay tumutulong sa maayos na pagtulog.

Fights depression – may isang uri ng depression na kung tawagin ay sad o seasonal affective disorder na isang full blown depression na kadalasang nararanasan ng mga may idad na o yung sumi-senior na ang peg. Isa daw sa paraan para malunasan ito ay ang pagtawa. Binabawasan daw kasi nito ang stress-related hormones sa ating katawan at pinapalitan ng feel-good hormones. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng positive attitude at less ang chance na makaranas kayo ng depression.

Pain reliever – Napatunayan ang bisa ng laughing o pagtawa sa isang pag-aaral sa Oxford University na nagsabing ang isang tao na madalas tumawa – kaya daw nitong labanan ang anumang sakit ng higit sampung porsiyento kumpara dun sa laging nabubugnot o nakasimangot. Sa pamamagitan daw kasi ng pagtawa – lumalabas ang ating “feel-good endorphins” na mas mabisa kaysa sa mga ini-inom na pain reliever.

Keeps you young – Ito daw ang sikreto ng marami sa atin na sa kabila ng kanilang idad, mukha pa rin silang bata. Kapag tayo daw kasi ay naka-smile at tumatawa palagi, 15 facial muscles ang gumagalaw. Sa ganitong paraan, nag-i-increase o gumaganda ang daloy ng dugo sa ating mukha kaya ang resulta,mas bata ang inyong itsura at mas healthy. At kung ikaw ay healthy, siyempre mas magmumukha kang fresh.

Mahalaga sa buhay ang pagtawa dahil mas nagiging masigla an gating pakiramdam at laging good vibes.

Piliin lang ang lugar dahil baka tawa kayo ng tawa kahit sa daan, o kahit wala namang nakakatawa. Iba na yan mga ka-Angel.

Kaya nga lagi kong sinasabi, anumang problema, keri lang yan. Pero sabi nga sa kanta ni Ka Freddie, tawanan lang ang problema.

Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (Mon-Fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat & Sun 11:00-12:00nn)

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.