Pres. Duterte, mas ganadong  magtrabaho sa pagbaba ng  bilang ng mga nagugutom na Pinoy

By Chona Yu October 14, 2016 - 04:48 AM

 

Inquirer file photo

Magsisilbing inspirasyon sa Pangulong Rodrigo duterte ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na mas mababa na ang bilang ng mga Pinoy na nagsabi na sila ay nakararanas ng pagkagutom.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, lalong gaganahan ang pangulo na magtrabaho para malabanan ang kahirapan sa bansa.

Sinabi pa ni Andanar na sa nakalipas na isandaang araw na panunungkulan ng pangulo sa Malakanyang, tinutukan nito ang pagpapalago ng ekonomiya sa sampung pinakamahihirap na probinsya sa buong Pilipinas.

Dagdag ni Andanar, pinatitiyak ng pangulo na mapi-preserve ang prime agricultural lands para masiguro na mayroong food security ang Pilipinas.

Batay sa pinakahuling SWS survey, nasa 42 percent o 9.4 milyong Filipino na lamang ang nagsabi na sila ay nakararanas ng pagkagutom.

Mas mababa ito sa 45 percent o 10.2 milyong Pinoy na naitala na nakaranas ng pagkagutom noong June 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.