Direktiba para sa pagpapatigil ng military exercises, hindi pa natatanggap ng DND
Wala pa umanong natatanggap na formal instructions mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Defense Department para itigil na ang paghahanda para sa susunod na joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at United States.
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, ang nasabing balita ay nabasa lamang nila sa media.
Pahayag ni Andolong, gagawa silang aksiyon kapag may writen instructions na mula sa Pangulo.
Samantala, aminado naman si Andolong na magkakaroon ng epekto ang pagpapatigil ng joint military exercises lalo na sa humanitarian assistance and disaster response o HADR.
Giit ni Andolong, sa ganitong aspeto malaking bagay ang exposure sa mga makabagong teknolohiya ng US military na malaking tulong sa AFP.
Maliban dito, nagsisilbing morale booster din umano sa mga sundalong Pinoy na makakita at makagamit ng mga bagong kagamitan kahit man lamang sa mga joint military exercises.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.