Aminado ang Philippine Postal Corp. na nawalan na sila ng kita dahil sa pagpasok ng makabagong teknolohiya.
Sinabi ito ni Philpost Deputy Postmaster General Luis Carlos sa harap ng katotohanan na wala nang nagpapadala ng mga Christmas card at mga greetings card tuwing kapaskuhan, bagong taon, birthday at Valentine’s day.
Isa sa sinisisi ni Carlos sa kanilang pagkalugi ang mas ginagamit ngayon na internet at cellphone.
Sinabi ni Carlos na bukod sa kawalan ng kita, wala na rin silang nakukuhang annual budget sa Kongreso at natatalo din sila ng mga kakompetensyang private courier.
Dahil aniya dito kailangan na nilang mag isip ng mga bagong paraan para kumita para mayroon silang pondo para sa sahod at benepisyo ng kanilang mga empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.