PNP, nakapagtala na ng mahigit 1,500 na napapatay sa Project Double Barrel
Pumalo na sa 1,573 na mga drug suspek ang napapatay sa nagpapatuloy na anti-illegal drug campaign ng Philippine National Police simula noong July 1 ngayong taon.
Sa datos na inilabas ng PNP, nasa 28,234 na mga drug personalities naman ang naaresto sa mga inilunsad na operasyon.
Aabot naman sa 740,245 na mga drug personalities na ang sumuko kung saan 686,537 dito ay drug user habang 53,708 ay mga drug pusher.
Umabot na rin sa higit 200,000 na mga kabahayan ang nabisita ng PNP sa buong bansa.
Samantala, sa huling tala pa rin ng PNP umaabot na sa 520 na mga insidente nasa katergoryang death under investigattion.
Nasa 549 naman ang naiulat na death reported habang nasa 65 naman dito ay kagagawan ng motorcyle riding criminals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.