Administrative Order na magtatatag ng Presidential Task Force on Media Killings, pirmado na

By Chona Yu October 13, 2016 - 05:06 PM

AO
Kuha ni Chona Yu

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order (AO) number 1 na magtatatag ng Presidential Task Force on Media Killings.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.

Itinalagang chairman ng task force si Justice Secretary Vitaliano Aguirre habang magsisilbing co-chairman si Andanar.

Nilagdaan ng pangulo ang AO noong October 11.

Hindi naman malinaw kung saklaw ng AO ang online harrassment sa mga kagawad ng media.

Pero paglilinaw ni Andanar, online man o on ground ang harrassment, maaaring mag report sa presidential task force dahil malinaw na violation ito sa life security at liberty ng isang mamamahayag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.