Michael Jackson, nanguna sa listahan ng ‘top-earning dead celebrities’ ng Forbes

By Dona Dominguez-Cargullo October 13, 2016 - 11:13 AM

Michael JacksonNanguna si Michael Jackson sa inilabas na listahan ng Forbes ngayong taon para sa top-earning dead celebrities.

Ito na ang ika-apat na taon na nangunguna sa listahan si Jackson at sa pagkakataong ito, napakalaki ng lamang ng kita ni yumaong pop singer sa kapwa niya musical icons na sina Prince at David Bowie na kapwa nasawi ngayong taon lamang.

Sa datos ng Forbes, si Jackson na nasawi taong 2009 ay mayroong 825 million dollars na earnings sa loob ng labing dalawang buwan.

Ang kinitang ito ng yumaong singer ay dahil sa 750-million-dollar sale ng kaniyang stake sa Sony/ATV music publishing.

Ang benta naman ng albums ni Prince ay malaki ang itinaas matapos itong masawi dahil sa drug overdose noong Abril.

Sa ranking ng Forbes, nasa panglima si Prince na mayroong estimated earnings na 25 million dollars, na mas mababa lang ng kaunto sa kita ni Elvis Presley na 27 million dollars.

Si Bowie naman na nasawi sa sakit na cancer noong Enero ay tumaas din ang album sales matapos ang pagkamatay, katunayan, sa taong 2016, mas madami ang nabentang album ni Bowie kumpara sa album nina Presley at Jackson.

Gayunman, umabot lamang sa 10.5 million ang overall estimated earnings ni Bowie ayon sa Forbes.

 

 

TAGS: Michael Jackson tops Forbes list of biggest-earning dead celebrities, Michael Jackson tops Forbes list of biggest-earning dead celebrities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.