Mga motoristang nasita sa unang araw ng dry run para sa ‘no window hours’ policy, umabot sa mahigit 600

By Dona Dominguez-Cargullo October 13, 2016 - 10:25 AM

edsa trafficUmabot sa 627 na mga motorista ang lumabag sa unang araw ng dry run para sa “no window hours” policy sa number coding scheme.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga lumabag na motorista ay sinita lamang at hindi na muna inisyuhan ng traffic violation tickets.

Karamihan sa mga nasita ay pawang bumiyahe sa Mandaluyong City.

Maliban kasi sa kahabaan ng EDSA, C5, Roxas Boulevard at Alabang-Zapote Road, iiral din ang no window hours policy sa Mandaluyong, Makati, at Las Piñas City mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ngayon ang ikalawang araw ng pagpapatupad ng dry run sa nasabing polisiya, at tatagal ang dry run hanggang bukas bago ang tuluyang istriktong implementasyon nito sa Lunes, October 17.

 

 

TAGS: no window hour policy, no window hour policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.