Muntik nang suntukan sa pagitan nina Barbers at Pichay, may pinaghugutan na ibang isyu

By Dona Dominguez-Cargullo October 13, 2016 - 09:00 AM

Kuha ni Isa Avendaño-Umali
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Hindi lang basta pagtatalo sa proseso ng pag-amyenda sa Saligang Batas ang pinagmulan ng muntikan nang suntukan sa pagitan nina Surigao Del Norte Rep. Ace Barbers at Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pichay na mosyon lang naman niya kahapon ay kaugnay sa pagsunod sa tamang procedure kung saan kinakailangan ng botohan ng dalawang kapulungan kung may gagawing pag-amyenda.

Dahil dito, sinabi ni Pichay na dapat ipatawag ang Mataas na Kapulungan ng kongreso para sa isang joint session.

Doon na aniya tumayo at nagalit si Barbers sa kaniya, minura siya at ambang susuntikin.

Pero ayon kay Pichay, matagal nang may galit sa kaniya si Barbers.

Ani Pichay, noong 2007 at 2010 elections kasi, nagpatakbo siya ng kandidato na lalaban kay Barbers sa Surigao. Paliwanag ng mambabatas, responsibilidad niya iyon bilang chairman ng partidong Lakas.

Nagtataka si Pichay kung bakit pinersonal ni Barbers ang paglalagay niya ng kandidato na makakalaban nito na nagresulta sa pagkatalo ng dalawang beses ni Barbers.

“Wala akong galit sa kaniya, pero siya ata may galit sa akin, kasi noong 2007 at 2010 may kandidato kami against him sa Surigao. Pero pero politics lang iyon e, kung galit ka sa akin, lagyan mo din ako ng kalaban, why you should take it personally, hindi naman ako ang nagpasya sa eleksyon noon, taumbayan naman. Responsibility ko iyon noon as party chairman sa Lakas,” ayon kay Pichay.

Naniniwala naman si Pichay na ‘unparliamentary’ ang ginawa ni Barbers nang lapitan siya nito at murahin.

Ayon kay Pichay, ang kongreso ay inirerespeto bilang institusyon at kung may mga kongresistang gaya ni Barbers ay bababa ang pagtingin ng publiko sa kamara.

 

TAGS: Rep Ace Barbers and Rep Prospero Pichay, Rep Ace Barbers and Rep Prospero Pichay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.