Mga tindahan ng paputok sa Bocaue, ipinasara muna

By Ricky Brozas October 13, 2016 - 08:41 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Bocaue, Bulacan ang pansamantalang pagpapasara sa mga tindahan ng paputok sa kanilang nasasakupan.

Iyan ay kasunod ng malagim na pagsabog kahapon ng isa sa mga tindahan doon na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Nakiusap si Mayor Joni Villanueva – Tugna sa mga nagnenegosyo at nagbebenta ng paputok na itigil na muna ang kanilang pagtitinda habang pinag-aaralan pa ang mga safety measures para hindi na maulit ang mga kahalintulad na insidente.

Aminado naman ang alkalde na mahirap na basta na lamang ipatigil ang industriya ng paputok sa kanilang bayan dahil ito na ang ikinabubuhay ng maraming residente.

Maliban sa mga nagmamay-ari ng negosyo ng paputok, marami ring taga Bocaue ang nagtatrabaho sa mga pagawaan at tindahan.

Una nang sinabi ni Tugna na handa silang rebisahin at pag-aralan ang mga umiiral ngayong polisiya sa industriya ng paputok sa kanilang lugar matapos ang malakas na pagsabog kahapon na sinundan ng malaking sunog.

 

 

 

TAGS: Bocaue Blast, Bocaue Blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.