Pulis, patay sa pananambang sa La Union
Nasawi ang isang pulis matapos na tambangan ng pitong armadong suspek sa Barangay Bitalag, Bacnotan, La Union.
Sa ulat ng La Union Police Tactical Operation Center, naganap ang pananambang kay SPO2 Edward Tubaang Almirol kagabi.
Sakay si Almirol ng kaniyang kulay brown na Hyundai Accent na may plate number AFD 129 nag siya ay pagbabarilin ng limang lalaki.
Naisugod pa sa Lorma Medical Center ang biktima pero idineklara ding dead on arrival.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng 5.56 rifle, m16 at kalibre 45 na baril.
Si Almirol ay nakatalaga sa La Union Provincial Public Safety Company (LUPPSC).
Inaalam pa rin ang motibo ng pamamaslang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.