LPA na binabantayan ng PAGASA, isa nang ganap na bagyo; pinangalanang Karen

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Visayas.

Ang tropical depression Karen ay huling namataan sa layong 640 kilometers East ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers kada oras.

Kumikilos ang bagyong Karen sa bilis na 11 kilometers kada oras sa direksyong west northwest.

Sa Linggo inaasahang tatama sa kalupaan ng Northern o Central Luzon ang nasabing bagyo.

Ayon sa PAGASA, maghahatid ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng landslides at flashfloods sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Habang light hanggang moderate rains naman ang iiral sa MIMAROPA, CALABARZON at nalalabing bahagi ng Visayas, gayundin sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA.

Magiging maulap din ang papawirin sa Metro Manila.

 

 

Read more...