Mga sasama sa China visit ni Pres. Duterte, lumobo na sa 400

By Kabie Aenlle October 13, 2016 - 04:31 AM

 

duterte-china-0830Kung sa una ay dalawang dosenang mga negosyanteng Pilipino lamang ang nakatakdang sumama pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, ngayon ay lumobo na ang bilang sa 400.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry chairman emeritus Francis Chua, hindi na bababa sa 400 ang mga negosyante na nag-register na makasama sa pangulo sa China.

Ani Chua, magkakahalong mga maliliit at naglalakihang negosyante ang bubuo sa business delegation upang makahanap ng mga oportunidad sa inaasahang muling pagkabuhay ng trade and investment ties sa pagitan ng China at Pilipinas.

Sinasabing nasasabik rin ang mga negosyanteng Pilipino na makausap ang mga Chinese business leaders at mga opisyal ng gobyerni nito kaugnay sa mga kasunduan sa sektor ng railways and construction, turismo, agribusiness, enerhiya at manufacturing.

Kabilang sa mga kilalang business tycoons na sasama ay sina Ramon S. Ang ng San Miguel group, Manuel V. Pangilinan ng Metro Pacific at PLDT Inc., Lucio Tan at anak nitong si Michael Tan ng Lucio Tan group, Hans Sy ng SM group, Carlos Chan ng Oishi group, Alfredo Yao ng Zest-O group at Henry Lim Bon Liong ng Sterling group of companies.

Mahigit isandaang opisyal at miyembro rin ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry ang sasama sa nasabing state visit.

Samantala, ayon kay Chinese foreign ministry spokesperson Geng Shuang, makakapulong ni Pangulong Duterte si President Xi Jinping at Premier Li Keqiang sa pagpunta nito sa China sa October 18 hanggang 21.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.