Trump, magiging mapanganib na pangulo kung mananalo -UNHR

By Kabie Aenlle October 13, 2016 - 04:21 AM

 

Trump-US-Elections-620x413Nagbabala ang pinuno ng UN Human Rights na magiging mapanganib sa “international point of view” si US presidential candidate Donald Trump kung ito ang mananalo.

Ayon kay UN Human Rights chief Zeid Ra’ad al-Hussein, lubhang nakababahala o “deeply unsettling and disturbing” ang mga komento ni Trump, partikular na tungkol sa torture.

Nanindigan rin si Zeid na isa ring prinsipe sa Jordan, na wala siyang balak kumambiyo o tigilan ang pagbatikos sa mga panganib na dala ng aniya’y mga “populists and demagogues.”

Kamakailan kasi ay pinagsabihan ng Russian ambassador to UN si Zeid na hindi niya dapat banatan ang mga pinuno ng pamahalaan ng ibang mga bansa.

Dagdag pa ni Zeid, base sa iba’t ibang pahayag ni Trump, nakatitiyak siyang magiging delikado at mapanganib ang pamumuno nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.