Dahil sa ‘muntikang’ suntukan, Barbers irereklamo si Pichay

By Isa Avendaño-Umali October 13, 2016 - 04:29 AM

 

Pichay-BarbesHumingi ng paumanhin si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa publiko dahil sa muntik na nilang suntukan ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.

Gayunman, iginiit ni Barbers na ang kanyang sorry ay sa taumbayan at hindi kay Pichay.

Inamin ni Barbers na ‘uncalled for’ ang kanyang ginawa bagama’t wala namang pisikal na suntukang nangyari sa pagdinig kanina ng House Committee on Constitutional Amendments hinggil sa mga panukalang Charter Change o Cha-Cha.

Ani Barbers, kung may nasagasaan man umano siya ay inihihingi niya ito ng paumanhin.

Samantala, nagbabala naman si Pichay na maghahain siya ng ethics complaint laban kay Barbers.

Ang reklamo ay ihahain umano niya sa Ethics Committee anumang araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.