Nationwide firecracker ban, pinag-iisipan na ng Palasyo

By Chona Yu October 13, 2016 - 04:28 AM

 

Kuha ni Erwin Aguilon

Pinag-aaralan na ngayon ng Palasyo ng Malacañang kanyang ang pagpapatupad ng nationwide firecracker ban.

Kasunod na rin ito ng naganap na pagsabog ng pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng mahigit dalawampung iba pa.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, uunahin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte na asikasuhin ang paglagda sa Executive Order sa nationwide smoking ban.

Mahalaga ayon kay Medialdea na isaalang-alang din ang kapakanan ng nga nasa industriya ng paputok.

Kahapon, ginulantang ng pagsabog na sinundan ng sunog ang hilera ng mga tindahan sa bahagi ng McArthur Highway, Binang 1st, Bocaue, Bulacan.

Tumagal pa ng ilang oras bago tuluyang naapula ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.